RSS

ok payn!

11 Sep

exhausted ladyPatapos nanaman ang araw… Pero parang wala ng katapusan tong trabaho ko. Sabihin na nating hawak ko ang oras ko, pero sa dami ng kelangang gawin at sa palapit na palapit na deadline, parang paliit na ng paliit ang mundo ko. Panay tong laptop nalang kaharap ko. Kung nakakapagsalita lang to, baka sabihin nito, sukang-suka na siya sa pagmumukha ko. Malapit na ring tumigas ang mga daliri ko sa kaka-dutdot nitong keyboard, at paglaon eh baka mabutas na rin tong touchpad ko.

Haaay… Nakakapagod. Nakakatuyo ng utak. Pero wala eh, kelangang gawin. Ang pinaghihimutok ko, dahil sa dami ng trabaho, naiistorbo na ang pagba-blog ko! Mantakin mo yon! Malaking perwisyo di ba? Ewan ko ba naman… Laking abala…

Ayan tuloy, di ako makabuo ng bagong entry dahil bumibigay na ang cerebral cortex ko. Ginagawa ko na nga lang pahinga ang mag-blog hop eh… Pang-detox ba… Haaay..

Kaya eto, habang nagpapahinga ako, ginagawa ko to. Wala naman akong mahalagang sasabihin. Baka nga sinasayang ko lang oras mo sa pagbabasa nitong walang kwentang post ko. Pero gusto ko lang magsulat. Actually, kanina pa ko nagsusulat (o nagta-type)… Pigang-piga na utak ko, at dumudugo na ilong ko sa kakagawa nitong mga sandamukal na paperworks na to! Kung di lang talaga nakasalalay dito ang negosyo namin, tengga to! Pero kahit sobrang pagod at drained na ko… Dahil sa “tawag ng blogging”… Eto ako, nagsusulat pa rin.

Ok payn!… Alam ko may mga kelangan pa kong gawin. Pero por Dios por santo, lumuluwa na ang mata ko, at naglilitawan na mga ugat sa ulo ko. I can’t take this anymore! I HAVE TO have a break. Tao lang po ako at isa lang ang utak ko. Ayoko nang maging hobby ang magdusa sa migraine. Ayoko!

Asahan niyo na pagtapos nito, gagawa na po ako ng matitinong posts.

 
3 Comments

Posted by on September 11, 2009 in random

 

Tags: , , , , , , , , , ,

3 Responses to ok payn!

  1. angelica

    September 12, 2009 at 12:03 pm

    hello. Thanks 4 appreciating my blogsite =) yes, u can add me up, my pleasure! =)

     
    • casualthots

      September 14, 2009 at 1:24 am

      sorry i edited your comment cuz i think you missed a couple of characters.. :-)

      anyway, im just returning the favor.. thank you for havin me on your blogroll..

       
      • angelica

        September 16, 2009 at 12:48 pm

        hahaha thank you! =) eniweys, you may follow me hehehehe

         

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.