RSS

b(e)rrr month…

16 Sep

berrr1

September na nga pala… simula na ng tinaguriang “ber” months. Pag nagtatapos na daw kasi sa ber ang buwan eh hudyat na malapit na ang pasko… at magsisimula ng lumamig ang panahon (brrr!!). Pero dahil nga sa “environmental crisis” na pinagdadaanan natin, hindi na applicable ang paniniwalang to.

 Noong mga nakaraang panahon, pag mga ganitong buwan, nagsisimula na ngang maramdaman ang pasko. May mga over excited na kababayan na naglalagay na ng Christmas tree, Belen at kung anu-ano pang palamuti ng pasko sa kanilang mga tahanan. May mga malls din dati na Christmas na ang concept sa mga display windows, at pagpasok mo ay damang-dama mo na ang kapaskuhan sa buong establishment. Himig pasko na rin ang maririnig mo sa mga radyo, maging sa jeepney, bus at bangketa. Tipo bang hindi na mahintay na palipasin muna ang Todos Los Santos. Sa ngayon, bihira na… halos wala na nga… kung meron man, hindi na kasing-bongga ng dati…

Subalit kanina lang, may humintong tricycle sa tapat namin, na di ko alam kung sound system on wheels ba yun o sadyang mahina ang pandinig ng driver (tulad ng maraming PUV drivers sa maynila). Nagpapatugtog ito ng isang malungkot na OPM Christmas Song. Di ko lang maalala yung title pero popular yung kantang yun, na-LSS pa nga ko ng mga ilang oras eh… pero sa mga oras na to, di ko na talaga maalala yung kanta. Anyway, yung pangyayaring yun ang nagpa-alala sakin na nalalapit na nga ang pasko… at ewan ko… pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan… nalungkot ako…

…ewan ko ba, pero may pagka-”emo” talaga ko pag sumasapit ang kapaskuhan.

Napagtanto ko, bakit naman ako umaasang maging happy?… eh hindi ko naman birthday…

Lahat halos ng tao gustong maging masaya sa pasko. Subalit madalas nakakaligtaan natin kung ano ang ipinagdiriwang sa December 25. Happy birthday sa mga pinanganak sa petsang yan… ngunit bilang Kristyano, alam naman natin kung Sino ang “Bida” sa araw na yan.

Isang maagang pagbati ng Merry CHRISTmas sa inyong lahat.

Hindi merry Xmas.. Hindi meri Xtmas.. o merry chrstmas..

Maligayang pasko, pwede pa.

 
5 Comments

Posted by on September 16, 2009 in thoughts

 

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

5 Responses to b(e)rrr month…

  1. deejay

    September 16, 2009 at 10:04 pm

    let me guess kung anong kanta yan, casualthots… pasko na sinta ko! di ba di ba? hehehe, ako rin senti mode pag pasko… huhuhu. my best christmases were when i was a little boy. if only we can bring the magic of christmas back. :D :P

     
    • casualthots

      September 17, 2009 at 2:49 pm

      mali ka diego, di pasko na sinta ko.. di ko talaga maalala eh.. anyway, i agree.. the magic of Christmas is really for the kids.. ka-miss yung mga panahon na naniniwala tayong mei Santa Claus.. ooopss.. teka, baka mei maligaw na bata dito.. mei Santa Claus naman talaga diba?.. umoo ka deejay.. hehehe..

      p.s. – seryoso mode nanaman tayo ah.. :-)

       
  2. ruben

    September 17, 2009 at 1:18 am

    knina inutusan ako ni mother nature bumili ng pine apple juice sa grocery… at tulad nga ng ng-comment na-feel ko rin na “ber” na nga! pro di ako ng senti- naasar ako!… pagpasok ko ba nmn eh ang tugtog 12 days of xmas,,, SPANISH VERSIONS; putik maintindihan ko kya un… mas prefer ko pa pakinggan un mga batang carolers na sintonado at mali2x ang lyrics kysa dun sa spanish version ng 12 days of xmas…KALOKA!!!

    makapag hanap na nga ng tanchan at sirang payong…

     
    • casualthots

      September 17, 2009 at 2:51 pm

      hehehe.. siguro nakapag-humm ka naman kahit papano.. :-D

       
      • ruben

        September 18, 2009 at 1:58 am

        endi nga mysterious blogger” npakanta na lng ako ng feliz navidad..atleast un may translation…hehehhe

         

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.