Sa kabila ng trahedyang pinagdadaanan natin ngayon, nakakatuwang makita na aktibo ang mga “celebrities” sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Unahin ko na si Kris Aquino na siyang nangunguna sa panawagan sa mga kompanya at ilang mga pribadong tao para mag-donate o mag-pledge. Isantabi na muna natin ang “kaartehan” ni Kris, ang mahalaga, malaki ang nagagawa niya para mangalap ng tulong sa ating mga sinawing-palad na kababayan. Malaking tulong ang isang tulad ni Kris kasi minsan, may ilan talagang kailangan pang kalampagin para mag-abot ng tulong. Hindi man sumang-ayon lahat sa akin, pero sa tingin ko, sincere si Kris sa ginagawa niya. Yung arte, given na yon.
Isama na rin natin ang mga kapamilya artists na kabahagi ng kasalukuyang telethon ng ABS-CBN at mga kapuso na bahagi naman ng GMA Helpline. Ang mga ganitong paraan ay nakakatulong para maisagawa ang isang makabuluhang adhikain.
Ang susunod na mga eksena ay tila ba shooting ng isang pelikula… pero hindi. Si Richard Gutierrez, lulan ng isang speedboat kasama ang kanyang grupo, kabilang ang kapatid na si Rocky ay binaybay ang baha at dilim sa Marikina upang iligtas ang isang kaibigan – si Cristine Reyes, na siguro naman ay alam na ng karamihan na halos labindalawang oras na nasa bubong ng kanilang bahay kasama ang kanyang pamilya. Ang relatives niya ay nasagip naman ng mga kapatid nila Ara Mina gamit ang jetski.

Cristine Reyes
Hindi kaila na may pinagdadaanang suliranin si Richard ngayon, kaya hindi maiiwasan na may mga bumatikos pa rin sa kanyang ginawa. Ngunit, anupaman ang dahilan ni Richard, ang masasabi ko lang, hindi biro ang ipakipagsapalaran ang sariling buhay upang iligtas ang iba.
Maliban kay Richard, sumugod din sa Marikina kagabi ang pamilya Gutierrez, sa pangunguna ni Eddie Gutierrez, kasama si Anabelle at Ruffa upang magdala ng tulong. (Haters, this is not the time for negativity.)
Isa pang gusto kong bigyan ng espesyal na pag-banggit, ay si Angel Locsin. Bago pa man ang pagbalita ni Kris Aquino kanina sa telethon, ukol sa pagtulong ng “kaibigan” ni Angel, ay kagabi pa nasa Marikina si Angel. Isa siya sa mga nauna o kung hindi man unang artista na kumilos para magbahagi ng kanyang makakayanan. At gusto kong bigyang diin na hindi lamang siya “nagpa-abot” ng tulong, kundi “personal na nag-abot” ng tulong sa mga nasalanta. Hindi na bago kay Angel ang ganitong gawain, pero dahil ayaw niyang pinag-uusapan ang mga ganitong bagay, kaya quiet na ako. Isang patunay na hindi mo kailangang pumasok sa pulitika para makatulong sa bayan. Padayon, Angel!
May nasagap din ako na si Sina Raymart Santiago at Jericho Rosales daw ay personal din na tumulong sa pagsagip sa mga biktima ng baha sa pamamagitan ng kanilang surfboard/wakeboard at jetski.

Jericho Rosales
Ganon din sina Cesar Montano at Bayani Agbayani na agad tumulong upang i-rescue ang ating mga kababayan.
Napag-alaman ko rin sa balita na hindi lang si Cristine ang celebrity na nakaranas ng ganoong sitwasyon, nangailangan o nangangailangan (wala pa kong update) din ng tulong sina Jean at Jennica Garcia, Slyvia Sanchez, na buntis pala, Roxanne Barcelo, Gladys Reyes, Ogie Diaz, K Brosas, Jayson Gainza at Carmina Villaroel to name a few.
UPDATES
SEPT 27
- Ang pamilya nina Gladys Reyes at Christopher Roxas ay nasagip na ng mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo, at patuloy pa rin silang tumutulong.
- Ang mag-inang Jean at Jennica Garcia pala ay nailikas na rin kanina at kasalukuyang nasa tahanan ni Jennylyn Mercado.
SEPT 28
- These photos of Gerald Anderson, with his brother kenneth, checking out his neighbors last Saturday (Sept26), were from a certain Dr. Divina Gracia Rosales-Murao.



- ang pamilya ni Giselle Sanchez ay nailigtas na rin bandang 6:30 pm
- Si Bentong ay nawalan ng bahay, pero ang mahalaga ay buhay sila.
- Nailikas na rin si Sylvia Sanchez at ang kanyang pamilya.
- Ligtas ang pamilya ni Jayson Gainza, pero hindi ang kanyang mga naipundar.
- Ogie Diaz & Chokoleit – Safe. Properties damaged.
—————-
Related post: ONDOY: Pilipinas, gising!!!
—————-
Sa mga nais tumulong, makipag-ugnayan lamang sa mga ahensya at organisasyon nakalista sa baba:
ABS-CBN Sagip Kapamilya – 4132667 and 4160387
ABS-CBN Typhoon Ondoy Hotline: +63 416 3641
GMA KAPUSO helpline 981-1950 to 59
Donate to Red Cross thru txt. Snd RED (space)<5,25,50,100 or 300> to 2899 (Globe) & 4483 (SMART)
MARIKINA RESCUE: +63 2 646 2436
PASIG Rescue Emergency Number (+632-6310099)
QUEZON CITY Rescue (161)
National Disaster Coordinating Council (NDCC)Emergency Numbers:
+63 2 912-5668
+63 2 911-1406
+63 2 912-2665
+63 2 911-5061
WorldvisionFoundation, Quezon Ave office, is also accepting donations & overnite volunteers to pack relief goods









One Response to UPDATED: Celebrities Reach Out