RSS

ONDOY: Pilipinas, gising!!!

27 Sep

Etong kalamidad na pinagdadaanan natin sa ngayon ay isa nanamang pang-gising sa ating mga natutulog na diwa. Subalit sa kabila ng kabi-kabilang sakuna, kalamidad at trahedyang dumaan ay hindi pa rin tayo matuto. Naiisip lang natin ang kahalagahan ng pag-alaga sa kalikasan sa mga ganitong pagkakataon. Gayundin ang pagiging handa sa mga ganitong sitwasyon.

539w

Hindi ito ang panahon para magsisihan, magturuan, magmarunong o magpagalingan. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang kakayahan, gaano man kaliit o kalaki, para tumulong.

Kung nag-monitor kayo ng balita sa ibat-ibang channels kahapon (hanggang ngayon), ang unang-unang maiisip mo ay HINDI TALAGA TAYO HANDA SA MGA GANITONG PAGKAKATAON. Oo nga at biglaan ang mga pangyayari, pero yan mismo ang dapat nating pagtuunan ng pansin. Kung ano ang mga dapat gawin pag NABUBULAGA tayo nga mga ganitong kaganapan.

Kalunos-lunos ang sinapit ng ilan sa atin mga kababayan. Pero sa mga napanood ko sa tv, makikita mo pa rin talaga ang diwa ng bayanihan sa ating mga Pilipino. At yan ang gusto kong bigyan-pansin sa aking blog ngayon.

manila-floods-608

Sabihin na nating ang pagkilos ng mga otoridad kahapon ay bahagi ng kanilang tungkulin. Pero may mga ilang volunteers o sibilyan na buong tapang na tumugon sa mga pangangailangan ng ating mga nasalantang kababayan.

May napanood akong mga kalalakihan na nagpapabalik-balik sa malalim na baha habang nakakapit lamang sa mga lubid at pilit na inililikas ang kanilang mga kapitbahay. Andyan din ang mga nagtutulak ng mga tumirik na sasakyan o di kaya ay umaalalay sa mga tumatawid sa baha. Mga simpleng paraan pero may mabuting naidudulot sa karamihan.

Gusto ko ring banggitin ang “kabayanihan” ng ating field reporters. Sabihin na nating trabaho nila yan, pero kapuri-puri pa rin ang dedikasyon at serbisyo na ipinamamalas nila sa tuwing may mga ganitong pangyayari. Karamihan sa kanila ay walang tulog, halos di kumain at magpahinga, tinitiis ang hirap at sinusuong ang mga panganib para lamang makapaghatid ng balita sa ating lahat.

flood

At higit sa lahat, ang mga rescue workers, volunteer man o hindi, sibilyan o otoridad – lahat sila ay nararapat na pasalamatan sa pagbuwis ng kanilang sariling buhay upang maligtas ang iba. May nabalitaan ako na ang naunang tumulong daw sa mga taga-Provident Village sa Marikina ay ang mga komunidad, sabihin na nating squatters, na nakatira sa gilid ng village. Lumangoy yung iba para tulungan yung mga kaya nilang iligtas. Saludo ako sa inyo.

Bago ko tapusin to, gusto ko lang sabihin, na kahit nasaang panig pa man tayo ng mundo, meron at meron tayong magagawa para sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong at pagkalinga sa mga panahong ito.

Nakakalungkot lang isipin na kailangan pang maganap ang mga ganitong trahedya para matauhan ang ilan at makita na meron pa ring pagkakaisa sa ating bayan.

(credits go to the photographers)

—————–

Related post: UPDATE: Celebrities Reach Out

—————–

Sa mga nais tumulong, narito ang ilan sa pwede niyong tawagan o lapitan:

ABS-CBN Sagip Kapamilya – 4132667 and 4160387

ABS-CBN Typhoon Ondoy Hotline: +63 416 3641

GMA KAPUSO helpline 981-1950 to 59

Donate to Red Cross thru txt. Snd RED (space)<5,25,50,100 or 300> to 2899 (Globe) & 4483 (SMART)

MARIKINA RESCUE: +63 2 646 2436

PASIG Rescue Emergency Number (+632-6310099)
QUEZON CITY Rescue (161)

National Disaster Coordinating Council (NDCC)Emergency Numbers:
+63 2 912-5668
+63 2 911-1406
+63 2 912-2665
+63 2 911-5061

WorldvisionFoundation, Quezon Ave office, is also accepting donations & overnite volunteers to pack relief good

 
3 Comments

Posted by on September 27, 2009 in news | events | issues, thoughts

 

Tags: , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,

3 Responses to ONDOY: Pilipinas, gising!!!

  1. ruben

    October 1, 2009 at 11:54 pm

    BAYANIHAN is FILIPINO…
    i was hir in antipolo during the typhoon…, it almost reach the second floor of our house.., sobrang bilis ng pangyayari…
    sa sobrang bilis di na iniisip ng aking mga kapit bhay ang kanilang mga personal na pag-aari bagkus,.. binigyan nila ng prayoridad na tulungan ang mga matatanda at bata sa aming lugar upang maiahon sa rumaragasang baha… katuwa talaga.!!!

     
    • anino

      October 3, 2009 at 11:37 pm

      Ruben!!! thank God, nagparamdam ka rin! nag-worry ako sa inyo noh?.. did u get my txt messages and email?.. pero mabuti na lang talaga okay kayo.. lola, musta?.. email me, kwentuhan mo ko.. stay safe okay?..

       

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.