Ako ay nagbabalik.
At naglipat-bahay.
Bilang bagong simula sa aking pagbabalik, ako ay nagpalit ng address. Pero halos lahat ng laman ng aking dating bahay – casualthots.wordpress.com, ay aking binitbit… Maliban sa ilan na minarapat ko ng itapon sa basurahan (Move to Trash).
WELCOME BACK sa akin. At sa nagbabasa nito ngayon, welcome din po sa inyo. Salamat sa pagbisita o pagsilip man lang. Nawa’y naisin nyong bisitahin ako muli.
Ayan po… sa pamamagitan nitong aking bagong bahay ay muli akong magbabahagi ng ilang kwento, opinyon at saloobin… na sana ay magawa ko ng madalas.
Maligayang pagbabasa.







