Meron akong Monster
written: 06.02.04 | 11:28pm
Wala lang… Namiss ko lang magsulat. Ang pagsusulat ay isang uri ng pakikidigma. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay nailalabas mo ang iyong mga saloobin… nakikipagdigma ka sa iyong sarili.
Subali’t sa kabila ng iyong pakikidigma ay makakaramdam ka ng “fulfilment” sa banding huli… fulfilment na natalo mo rin ang “monster”. Monster?… Anong Monster?
Marami tayong “monster” o kinatatakutan sa buhay. At isa na siguro don ay ang takot na magpakatotoo.
Ako, inaamin ko, marami akong alagang “monster”… at takot ako sa kanila. Pero nitong mga nakaraang araw, parang gusto ko na silang pakawalan… kahit man lang siguro sa pamamagitan nitong pakikidigma ko sa papel at bolpen.
Mahirap mabuhay… mahirap na masarap… mahirap makipagsapalaran. Misan parang gusto mo na lang nating tapusin ang buhay para makatakas sa mga suliraning hindi na kinakaya. Pero kung may takot ka pa sa Diyos, hindi mo maisasakatuparan yan.
Maraming paraan para maging masaya. Para maging tahimik ang buhay. Paano? LET IT BE. Hayaan mo lang ang buhay. Anuman mangyari sayo, yun ang kapalaran mo. Hindi ka pa man iniluluwal ng nanay mo ay may plano na ang Diyos sa iyo. SIya ang may higit na kapangyarihan sa buhay mo. Isinasakatuparan mo lang ang plano Niya. Kaya mas maganda siguro na i-enjoy na lang natin ang pamamalagi sa mundong ibabaw… tutal, panigurado… mas masaya ang paroroonan natin… sa dako pa roon…
At sa dako roon, wala nang monster…







