Paglalakbay
written: 08.12.07 | 7:43pm
sa iyong paglalakbay
ako’y nagninilay
marahil marami kang agam-agam
at yan ay batid ng aking pakiramdam
sa iyong paglisan
dalangin ko’y iyong kaligtasan
malungkot ang magpaalam
pero hindi rin maiwasang umasam
na sa darating na panahon
ay merong pagkakataon
hanggang sa huli
tayo’y magkikitang muli







